Adobong Baka sa Gata
Servings
5tao
Servings
5tao
Ingredients
Sangkap 1
Sangkap 2
Rekados
Instructions
  1. Timplahan ang tadyang ng baka ng asin at suka bago itabi nang isang oras o higit pa.
  2. Mag-init ng kaunting mantika sa kawali at prituhin ang tadyang hanggang sa maging brown ang lahat ng anggulo ng karne.
  3. Ilipat ang napritong karne sa isang kaldero, at idagdag ang bawang, suka, toyo, at laurel. Lagyan ng tubig hanggang sa nakalubog ang karne. Pakuluin ng 2-3 oras o hanggang sa lumambot. Bago tuluyang lumambot ang karne, idagdag ang gata at sili (kung gagamit). Timplahan ng asin, paminta at hayaang maluto sa mahinang apoy hanggang lumapot ang sarsa.
  4. Pwede ng Ihain. Para mas masarap, kainin nang kinabukasan. Initin bago ihain.