Lutong Tatung

Blog Archives


Ensaladang Bukid

Ensaladang Bukid
Print Recipe
Servings
2 tao
Servings
2 tao
Ensaladang Bukid
Print Recipe
Servings
2 tao
Servings
2 tao
Ingredients
Servings: tao
Instructions
  1. Magpakulo ng tubig sa isang kaldero at banliin ang talbos ng sayote. Salain ang talbos
  2. Ayusin sa plato ang mga gulay at pwede nang ihain. Samahan ng bagoong isda sa gilid.

Kinilaw na Langka na may Dilis

Kinilaw na Langka na may Dilis
Print Recipe
Servings
2-3 tao
Servings
2-3 tao
Kinilaw na Langka na may Dilis
Print Recipe
Servings
2-3 tao
Servings
2-3 tao
Ingredients
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Isalang sa kawali ang langka at pakuluin sa tubig na may kaunting asin hanggang lumambot. Salain at tanggalin ang tubig.
  2. Ilagay ang langka sa bowl at isama ang sibuyas, luya, kamatis at sili bago timplahan ng suka, asukal, patis at paminta. Haluing mabuti.
  3. Bago ihain, ilagay ng piniritong dilis at hiniwang dahon ng sibuyas

Minatamis na Saging at Sago

Minatamis na Saging at Sago
Print Recipe
Servings
2 tao
Servings
2 tao
Minatamis na Saging at Sago
Print Recipe
Servings
2 tao
Servings
2 tao
Ingredients
Servings: tao
Instructions
  1. Sa isang maliit na kawali, ilagay ang tubig at pakuluan bago timplahan ng asukal. Haluin hanggang malusaw ang asukal.
  2. Isama ang saba, sago, vanilla extract at lagyan ng kaunting asin. Lutuin ng 10-15 minuto hanggang lumambot ang saba. Hayaang lumamig.
  3. Lagyan ng gatas at yelo bago ihain.

Relyenong Pusit

Relyenong Pusit
Print Recipe
Servings
5 tao
Servings
5 tao
Relyenong Pusit
Print Recipe
Servings
5 tao
Servings
5 tao
Ingredients
Sangkap ng Palaman
Sangkap ng Sabaw
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Batiin ang itlog sa isang bowl at ilagay ang bread crumbs. Hayaang sipsipin ng breadcrumbs ang itlog at itabi.
  2. Sa isang bowl pagsamasamahin ang giniling, tinadtad na ulo ng pusit, bawang, at bellpepper bago timplahan ng oregano, paprika, asukal at asin. Haluin ng mabuti.
  3. Ipalaman ang sahog sa pusit pero siguraduhing hindi sobrang siksik para hindi pumutok dahil sa liliit ang pusit kapag naluto. Isarado gamit ng toothpick.
  4. Para sa sarsa ng pusit, mag-init ng unting mantika sa kawali at igisa ang sibuyas, bawang, kamatis bago ilagay ang tomato sauce, suka, toyo, tubig at dahon ng laurel.
  5. Ihilera ang pusit sa kawali at pakuluan ng 45 minuto hanggang 1 oras para maluto. Timplahan ng asin at paminta.
  6. Pwede ng ihain.

Lumpiang Labanos at Singkamas

Lumpiang Labanos at Singkamas (Lumpiang Ngohiong)
Print Recipe
Servings
10 tao
Servings
10 tao
Lumpiang Labanos at Singkamas (Lumpiang Ngohiong)
Print Recipe
Servings
10 tao
Servings
10 tao
Ingredients
Sangkap Pang-batter mixture
Maanghang na Sarsa
Karaniwang Sarsa
Servings: tao
Instructions
Paraan sa Paggawa ng Palaman ng Lumpia
  1. Sa paggawa ng palaman ng lumpia; mag-init ng unting mantika sa isang kawali at igisa ang sibuyas, bawang, luya, 5 spice powder at giniling na baboy hanggang maluto ang baboy bago timplahan ng asukal at harina. Huling isama ang labanos at singkamas saka timplahan ng patis at paminta. Lutuin pa nang ilang minuto hanggang lumambot ang gulay. Itabi, palamigin at ibalot sa lumpia wrapper ng tig-2 kutsara bawat wrapper.
  2. Sa paggawa ng batter mixture. Haluin ang lahat ng mga Sangkap Pang-batter mixture sa isang bowl at timplahan ng asin at paminta. Haluin ng mabuti hanggang magsama-sama ang mga sangkap.
  3. Sa pagprito ng lumpia, mag-init ng mantika sa kawali, isawsaw muna ang binalot na lumpia sa batter mixture at iprito sa mainit na mantika. Prituhin hanggang maging light brown ang kulay, saka iahon, itabi at palamigin.
  4. Para sa huling luto, mag-init ng mantika at prituhing ulit ang lumpia hanggang maging golden brown at malutong ang balat nito.
Paraan sa Paggawa ng Maanghang na Sarsa
  1. Sa maanghang na sarsa, pagsama-samahin ang lahat ng sangkap at timplahan ng asin at paminta. Pakuluin hanggang lumambot ang sili bago ilagay ang cornstarch na may tubig. Sa karaniwang sarsa naman ihalo sa isang bowl ang lahat ng sangkap at timplahan ng asin at paminta.
  2. Pwede ng ihain kasama ng lumpia
Recipe Notes

Tip:

  • Mas masarap ang lumpia kung priprituhin gamit ng mantika ng baboy.
  • Pwede mo din ito i-freezer para maluto sa ibang araw.

Bringhe

Bringhe
Print Recipe
Servings Prep Time
4 tao 1 oras
Cook Time
1-1/2 oras
Servings Prep Time
4 tao 1 oras
Cook Time
1-1/2 oras
Bringhe
Print Recipe
Servings Prep Time
4 tao 1 oras
Cook Time
1-1/2 oras
Servings Prep Time
4 tao 1 oras
Cook Time
1-1/2 oras
Ingredients
Sangkap Pangsabaw
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Ibabad ang ¼ kilong malagkit na bigas sa 3 tasang tubig sa loob ng 1 oras. Salain at itapon ang tubig na pinagbabaran.
  2. Asinan ang manok at Itabi.
Pagluto
  1. Mag-init ng unting mantika sa kawali at prituhin ang manok. Hindi kailangang maluto ang manok, ang importante ay matusta lang ang labas nito ng kaunti. Hanguin at itabi.
  2. Sa parehong kawali na pinagprituhan ng manok, dagdagan ang mantika at igisa ang luyang dilaw hanggang magkakulay ang mantika at isunod ang bawang, sibuyas, bellpepper, pasas at chorizo (kung gagamit).
  3. Lagyan ng tubig at ibalik ang manok. Pakuluan ng 3 minuto saka timplahan ng asin at paminta. Siguraduhing malasa na ito bago ilagay ang bigas.
  4. Idagdag ang malagkit at haluing mabuti. Takpan at pakuluin sa mababang apoy nang 10 minuto o hanggang masipsip ng malagkit ang sabaw.
  5. Ibuhos ang kakang gata, gisantes at haluin. Tikman at ayusin ang timpla kung kinakailangan. Patayin ang apoy at itabi.
  6. Sa isang hiwalay na kawali magsapin ng dahon ng saging
  7. Ayusin sa ibabaw nito ang mga piraso ng manok. Palamutian din ng hipon (kung gagamit) ayon sa gusto mong disenyo bago ilagay ang natitirang malagkit. Pitpitin hanggang pumantay ang pagkalagay ng bringhe. Takpan at isalang muli hanggang maglangis na ang gata at maluto na ang malagkit at hipon. Mas maganda kung tumutong ng kaunti ang ilalim nito.
  8. Baliktarin at pwede ng ihain.
© Copyright 2016 | LUTONGTATUNG.COM | All Rights Reserved | Heartshaper Asia, Inc. | A joint venture of Red Bus Digital Ventures and United Neon Advertising
Show Buttons
Share On Facebook
Share On Twitter
Share On Google Plus
Share On Linkdin
Share On Pinterest
Share On Reddit
Hide Buttons