Lutong Tatung

Blog Archives


Ensaladang Bukid

Ensaladang Bukid
Print Recipe
Servings
2 tao
Servings
2 tao
Ensaladang Bukid
Print Recipe
Servings
2 tao
Servings
2 tao
Ingredients
Servings: tao
Instructions
  1. Magpakulo ng tubig sa isang kaldero at banliin ang talbos ng sayote. Salain ang talbos
  2. Ayusin sa plato ang mga gulay at pwede nang ihain. Samahan ng bagoong isda sa gilid.

Ampalaya con Hipon

Ampalaya con Hipon
Print Recipe
Servings
3 tao
Servings
3 tao
Ampalaya con Hipon
Print Recipe
Servings
3 tao
Servings
3 tao
Ingredients
Servings: tao
Instructions
  1. Sa isang bowl ilagay ang hiniwang ampalaya at lamasin sa tubig na may kaunting asin at pigain. Itabi.
  2. Mag-init ng unting mantika sa kawali at igisa ang sibuyas, bawang at kamatis. Gisain hanggang sa lumambot ang kamatis bago idagdag ang ampalaya at hipon.
  3. Ibuhos ang tubig o chicken stock at katas ng hipon. Timplahan ng patis at paminta.
  4. Antaying lumambot ang ampalaya bago ilagay ang binating itlog. Magintay ng 1 minuto para maluto ang itlog at pwede nang ihain.

Igado at Gisantes

Igado at Gisantes
Print Recipe
Servings
4 tao
Servings
4 tao
Igado at Gisantes
Print Recipe
Servings
4 tao
Servings
4 tao
Ingredients
Rekado
Servings: tao
Instructions
  1. Mag-init ng unting mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at kasim ng baboy. Lagyan ng suka at kaunting tubig at lutuin ng 5 minuto o hanggang lumambot ang baboy.
  2. Ilagay ang atay ng baboy at timplahan ng toyo, asukal, pineapple juice, liver spread, kaunting asin at paminta.
  3. Lutuin pa ng ilang minuto hanggang maluto ang atay at ilagay ang bellpepper at gisantes. Palaputan ng cornstarch at pwede ng ihain.

Relyenong Pusit

Relyenong Pusit
Print Recipe
Servings
5 tao
Servings
5 tao
Relyenong Pusit
Print Recipe
Servings
5 tao
Servings
5 tao
Ingredients
Sangkap ng Palaman
Sangkap ng Sabaw
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Batiin ang itlog sa isang bowl at ilagay ang bread crumbs. Hayaang sipsipin ng breadcrumbs ang itlog at itabi.
  2. Sa isang bowl pagsamasamahin ang giniling, tinadtad na ulo ng pusit, bawang, at bellpepper bago timplahan ng oregano, paprika, asukal at asin. Haluin ng mabuti.
  3. Ipalaman ang sahog sa pusit pero siguraduhing hindi sobrang siksik para hindi pumutok dahil sa liliit ang pusit kapag naluto. Isarado gamit ng toothpick.
  4. Para sa sarsa ng pusit, mag-init ng unting mantika sa kawali at igisa ang sibuyas, bawang, kamatis bago ilagay ang tomato sauce, suka, toyo, tubig at dahon ng laurel.
  5. Ihilera ang pusit sa kawali at pakuluan ng 45 minuto hanggang 1 oras para maluto. Timplahan ng asin at paminta.
  6. Pwede ng ihain.

Pininyahang Manok

Pininyahang Manok
Print Recipe
Servings Prep Time
5 tao 40-50 minuto
Cook Time
30-40 minuto
Servings Prep Time
5 tao 40-50 minuto
Cook Time
30-40 minuto
Pininyahang Manok
Print Recipe
Servings Prep Time
5 tao 40-50 minuto
Cook Time
30-40 minuto
Servings Prep Time
5 tao 40-50 minuto
Cook Time
30-40 minuto
Ingredients
Pangunahing Sangkap
  • 1 kilo Manok hinati sa 10 piraso
Sangkap 1
Sangkap 2
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Timplahan ang manok ng asin at paminta saka itabi.
  2. Mag-init ng unting mantika na may butter sa kawali, at igisa ang mga Sangkap 1.
  3. Pag bumango na ang ginigisa, ilagay ang manok at timplahan ng suka, toyo, asukal at tubig. Takpan at pakuluin ng 15 minuto o hanggang sa malapit nang matuyo ang sabaw.
  4. Idagdag ang pineapple juice at lutuin ng 15 minuto sa mahinang apoy. Isama ang pineapple chunks at bellpepper. Ilagay ang laurel at timplahan ng asin at paminta at lutuin pa nang 5 minuto.
  5. Ihain habang mainit.
© Copyright 2016 | LUTONGTATUNG.COM | All Rights Reserved | Heartshaper Asia, Inc. | A joint venture of Red Bus Digital Ventures and United Neon Advertising
Show Buttons
Share On Facebook
Share On Twitter
Share On Google Plus
Share On Linkdin
Share On Pinterest
Share On Reddit
Hide Buttons