Lutong Tatung

Blog Archives


Ampalaya con Hipon

Ampalaya con Hipon
Print Recipe
Servings
3 tao
Servings
3 tao
Ampalaya con Hipon
Print Recipe
Servings
3 tao
Servings
3 tao
Ingredients
Servings: tao
Instructions
  1. Sa isang bowl ilagay ang hiniwang ampalaya at lamasin sa tubig na may kaunting asin at pigain. Itabi.
  2. Mag-init ng unting mantika sa kawali at igisa ang sibuyas, bawang at kamatis. Gisain hanggang sa lumambot ang kamatis bago idagdag ang ampalaya at hipon.
  3. Ibuhos ang tubig o chicken stock at katas ng hipon. Timplahan ng patis at paminta.
  4. Antaying lumambot ang ampalaya bago ilagay ang binating itlog. Magintay ng 1 minuto para maluto ang itlog at pwede nang ihain.

Bringhe

Bringhe
Print Recipe
Servings Prep Time
4 tao 1 oras
Cook Time
1-1/2 oras
Servings Prep Time
4 tao 1 oras
Cook Time
1-1/2 oras
Bringhe
Print Recipe
Servings Prep Time
4 tao 1 oras
Cook Time
1-1/2 oras
Servings Prep Time
4 tao 1 oras
Cook Time
1-1/2 oras
Ingredients
Sangkap Pangsabaw
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Ibabad ang ¼ kilong malagkit na bigas sa 3 tasang tubig sa loob ng 1 oras. Salain at itapon ang tubig na pinagbabaran.
  2. Asinan ang manok at Itabi.
Pagluto
  1. Mag-init ng unting mantika sa kawali at prituhin ang manok. Hindi kailangang maluto ang manok, ang importante ay matusta lang ang labas nito ng kaunti. Hanguin at itabi.
  2. Sa parehong kawali na pinagprituhan ng manok, dagdagan ang mantika at igisa ang luyang dilaw hanggang magkakulay ang mantika at isunod ang bawang, sibuyas, bellpepper, pasas at chorizo (kung gagamit).
  3. Lagyan ng tubig at ibalik ang manok. Pakuluan ng 3 minuto saka timplahan ng asin at paminta. Siguraduhing malasa na ito bago ilagay ang bigas.
  4. Idagdag ang malagkit at haluing mabuti. Takpan at pakuluin sa mababang apoy nang 10 minuto o hanggang masipsip ng malagkit ang sabaw.
  5. Ibuhos ang kakang gata, gisantes at haluin. Tikman at ayusin ang timpla kung kinakailangan. Patayin ang apoy at itabi.
  6. Sa isang hiwalay na kawali magsapin ng dahon ng saging
  7. Ayusin sa ibabaw nito ang mga piraso ng manok. Palamutian din ng hipon (kung gagamit) ayon sa gusto mong disenyo bago ilagay ang natitirang malagkit. Pitpitin hanggang pumantay ang pagkalagay ng bringhe. Takpan at isalang muli hanggang maglangis na ang gata at maluto na ang malagkit at hipon. Mas maganda kung tumutong ng kaunti ang ilalim nito.
  8. Baliktarin at pwede ng ihain.
© Copyright 2016 | LUTONGTATUNG.COM | All Rights Reserved | Heartshaper Asia, Inc. | A joint venture of Red Bus Digital Ventures and United Neon Advertising
Show Buttons
Share On Facebook
Share On Twitter
Share On Google Plus
Share On Linkdin
Share On Pinterest
Share On Reddit
Hide Buttons