Lutong Tatung

Blog Archives


BBQ Tadyang

BBQ Tadyang
Print Recipe
Servings
4-5 tao
Servings
4-5 tao
BBQ Tadyang
Print Recipe
Servings
4-5 tao
Servings
4-5 tao
Ingredients
Sangkap Pang-marinade
Servings: tao
Instructions
  1. Sa isang malaking bowl pagsama-samahin ang sangkap ng marinade at haluing mabuti bago ilagay ang tadyang. Lamasin ang tadyang at hayaang ma-marinate ng isang buong gabi para manuot ang lasa. Ilagay sa refrigerator.
  2. Lutuin ang tadyang sa kawali ng mababang apoy sa sariling marinade at dagdagan muli ng pineapple juice at asukal hanggang maluto at lumapot ang sarsa. Kung may oven pwede lutuin san g nakabalot sa foil nang 1 oras na 175o C(350oF) ang temperatura. Hanguin at ihawin nang ilang minuto bago pahiran ng mantika.
  3. Hiwain ng pira-piraso. Pwede ring lagyan ng atsara sa gilid pagkahain.

Adobong Baka sa Gata

Adobong Baka sa Gata
Print Recipe
Servings
5 tao
Servings
5 tao
Adobong Baka sa Gata
Print Recipe
Servings
5 tao
Servings
5 tao
Ingredients
Sangkap 1
Sangkap 2
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Timplahan ang tadyang ng baka ng asin at suka bago itabi nang isang oras o higit pa.
  2. Mag-init ng kaunting mantika sa kawali at prituhin ang tadyang hanggang sa maging brown ang lahat ng anggulo ng karne.
  3. Ilipat ang napritong karne sa isang kaldero, at idagdag ang bawang, suka, toyo, at laurel. Lagyan ng tubig hanggang sa nakalubog ang karne. Pakuluin ng 2-3 oras o hanggang sa lumambot. Bago tuluyang lumambot ang karne, idagdag ang gata at sili (kung gagamit). Timplahan ng asin, paminta at hayaang maluto sa mahinang apoy hanggang lumapot ang sarsa.
  4. Pwede ng Ihain. Para mas masarap, kainin nang kinabukasan. Initin bago ihain.

Relyenong Pusit

Relyenong Pusit
Print Recipe
Servings
5 tao
Servings
5 tao
Relyenong Pusit
Print Recipe
Servings
5 tao
Servings
5 tao
Ingredients
Sangkap ng Palaman
Sangkap ng Sabaw
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Batiin ang itlog sa isang bowl at ilagay ang bread crumbs. Hayaang sipsipin ng breadcrumbs ang itlog at itabi.
  2. Sa isang bowl pagsamasamahin ang giniling, tinadtad na ulo ng pusit, bawang, at bellpepper bago timplahan ng oregano, paprika, asukal at asin. Haluin ng mabuti.
  3. Ipalaman ang sahog sa pusit pero siguraduhing hindi sobrang siksik para hindi pumutok dahil sa liliit ang pusit kapag naluto. Isarado gamit ng toothpick.
  4. Para sa sarsa ng pusit, mag-init ng unting mantika sa kawali at igisa ang sibuyas, bawang, kamatis bago ilagay ang tomato sauce, suka, toyo, tubig at dahon ng laurel.
  5. Ihilera ang pusit sa kawali at pakuluan ng 45 minuto hanggang 1 oras para maluto. Timplahan ng asin at paminta.
  6. Pwede ng ihain.

Pininyahang Manok

Pininyahang Manok
Print Recipe
Servings Prep Time
5 tao 40-50 minuto
Cook Time
30-40 minuto
Servings Prep Time
5 tao 40-50 minuto
Cook Time
30-40 minuto
Pininyahang Manok
Print Recipe
Servings Prep Time
5 tao 40-50 minuto
Cook Time
30-40 minuto
Servings Prep Time
5 tao 40-50 minuto
Cook Time
30-40 minuto
Ingredients
Pangunahing Sangkap
  • 1 kilo Manok hinati sa 10 piraso
Sangkap 1
Sangkap 2
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Timplahan ang manok ng asin at paminta saka itabi.
  2. Mag-init ng unting mantika na may butter sa kawali, at igisa ang mga Sangkap 1.
  3. Pag bumango na ang ginigisa, ilagay ang manok at timplahan ng suka, toyo, asukal at tubig. Takpan at pakuluin ng 15 minuto o hanggang sa malapit nang matuyo ang sabaw.
  4. Idagdag ang pineapple juice at lutuin ng 15 minuto sa mahinang apoy. Isama ang pineapple chunks at bellpepper. Ilagay ang laurel at timplahan ng asin at paminta at lutuin pa nang 5 minuto.
  5. Ihain habang mainit.
© Copyright 2016 | LUTONGTATUNG.COM | All Rights Reserved | Heartshaper Asia, Inc. | A joint venture of Red Bus Digital Ventures and United Neon Advertising
Show Buttons
Share On Facebook
Share On Twitter
Share On Google Plus
Share On Linkdin
Share On Pinterest
Share On Reddit
Hide Buttons