Lutong Tatung

Blog Archives


Chicken Chopsuey

Chiken Chopsuey
Print Recipe
Servings
4 tao
Servings
4 tao
Chiken Chopsuey
Print Recipe
Servings
4 tao
Servings
4 tao
Ingredients
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Mag-init ng unting mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas, atay at picho ng manok nang 2 minuto.
  2. Pag lumipas na ang 2 minuto idagdag ang tubig o chicken stock at pakuluin nang 3 minuto at timplahan ng oyster sauce, asin at paminta
  3. Isama ang cauliflower, carrot, young corn, at lutuin nang ilang minuto habang hinahalo. Kapag malambot na ang gulay pwede nang idagdag ang cabbage, sitsaro at bellpepper. Palaputin gamit ng cornstarch.
  4. Haluing mabuti at pwede nang ihain.

Pork Steak

Pork Steak
Print Recipe
Servings
4 tao
Servings
4 tao
Pork Steak
Print Recipe
Servings
4 tao
Servings
4 tao
Ingredients
Sangkap Pang-marinate
Sangkap Pangsabaw
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Sa isang bowl i-marinate ang lomo ng baboy sa toyo, chinese wine, cornstarch, bawang at timplahan ng asin at paminta.
  2. Mag-init ng unting mantika sa kawali at gisahin ang namarinate na karne. Itabi.
  3. Sa parehong kawali, lagyan muli ng mantika at gisahin ang kalahati ng sibuyas bago ilagay ang toyo, ketchup, katas ng kalamansi, asukal at tubig o chicken stock. Pakuluin at timplahan ng asin at paminta.
  4. Ibalik ang ginisang karne at lutuin hanggang lumapot ang sarsa at maluto ang baboy.
  5. Isama ang itinabing sibuyas at pwede nang ihain.
Recipe Notes

Tips:

  • Pwede dagdagan ng sesame oil o butter ang mantika na panggisa sa sibuyas.

Eskabeche

Eskabeche
Print Recipe
Servings
4 tao
Servings
4 tao
Eskabeche
Print Recipe
Servings
4 tao
Servings
4 tao
Ingredients
  • 1 kilo isda or
  • 700 grams isda kung fillet, nilinis, nilamas ng asin at binudburan ng harina
Sarsa
Rekados
Servings: tao
Instructions
  1. Iprito sa mainit na mantika ang isda hanggang lumutong at maluto. Itabi.
Paraan sa pagluto ng sarsa
  1. Mag-init ng unting mantika at igisa ang luyang dilaw hanggang dumilaw ang mantika.
  2. Sunod na igisa ang sibuyas, luya, bellpepper, carrots at pineapple chunks (kung gagamit).
  3. Idagdag ang suka, pineapple juice (kung gumamit ng pineapple chunks) at asukal, pakuluan at haluin nang 1 minuto o hanggang matunaw ang asukal saka palaputin gamit ng tubig na may cornstarch.
  4. Timplahan ng toyo, asin at paminta.
  5. Ibuhos sa isda ang sarsa at palamutian ng ginayad na dahon ng sibuyas.
  6. Pwede ng ihain.
Recipe Notes

Tip:

  • Para maging sweet and sour ang sarsa, huwag gumamit ng tausi at palitan na lang ng 2 kutsarang catsup ang luyang dilaw.

Lumpiang Labanos at Singkamas

Lumpiang Labanos at Singkamas (Lumpiang Ngohiong)
Print Recipe
Servings
10 tao
Servings
10 tao
Lumpiang Labanos at Singkamas (Lumpiang Ngohiong)
Print Recipe
Servings
10 tao
Servings
10 tao
Ingredients
Sangkap Pang-batter mixture
Maanghang na Sarsa
Karaniwang Sarsa
Servings: tao
Instructions
Paraan sa Paggawa ng Palaman ng Lumpia
  1. Sa paggawa ng palaman ng lumpia; mag-init ng unting mantika sa isang kawali at igisa ang sibuyas, bawang, luya, 5 spice powder at giniling na baboy hanggang maluto ang baboy bago timplahan ng asukal at harina. Huling isama ang labanos at singkamas saka timplahan ng patis at paminta. Lutuin pa nang ilang minuto hanggang lumambot ang gulay. Itabi, palamigin at ibalot sa lumpia wrapper ng tig-2 kutsara bawat wrapper.
  2. Sa paggawa ng batter mixture. Haluin ang lahat ng mga Sangkap Pang-batter mixture sa isang bowl at timplahan ng asin at paminta. Haluin ng mabuti hanggang magsama-sama ang mga sangkap.
  3. Sa pagprito ng lumpia, mag-init ng mantika sa kawali, isawsaw muna ang binalot na lumpia sa batter mixture at iprito sa mainit na mantika. Prituhin hanggang maging light brown ang kulay, saka iahon, itabi at palamigin.
  4. Para sa huling luto, mag-init ng mantika at prituhing ulit ang lumpia hanggang maging golden brown at malutong ang balat nito.
Paraan sa Paggawa ng Maanghang na Sarsa
  1. Sa maanghang na sarsa, pagsama-samahin ang lahat ng sangkap at timplahan ng asin at paminta. Pakuluin hanggang lumambot ang sili bago ilagay ang cornstarch na may tubig. Sa karaniwang sarsa naman ihalo sa isang bowl ang lahat ng sangkap at timplahan ng asin at paminta.
  2. Pwede ng ihain kasama ng lumpia
Recipe Notes

Tip:

  • Mas masarap ang lumpia kung priprituhin gamit ng mantika ng baboy.
  • Pwede mo din ito i-freezer para maluto sa ibang araw.
© Copyright 2016 | LUTONGTATUNG.COM | All Rights Reserved | Heartshaper Asia, Inc. | A joint venture of Red Bus Digital Ventures and United Neon Advertising
Show Buttons
Share On Facebook
Share On Twitter
Share On Google Plus
Share On Linkdin
Share On Pinterest
Share On Reddit
Hide Buttons